Bongbong Marcos nagbayad ng dagdag na 30 milyon sa Korte Suprema

Tuloy ang protesta laban kay alleged vice president Robredo

Bongbong Marcos nagbayad ng dagdag na 30 milyon sa Korte Suprema

by Lorenz Tanjoco DZRB 738khz

- in News
0

Nakumpleto na ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang ikalawang bahagi ng 66 million pesos na itinakdang halaga ng Presidential Electoral Tribunal para umusad ang election protest na kanyang inihain laban kay Vice President Leni Robredo.

Resibo ng karagdagang 30 milyon pesos na ibinayad ni Bongbong Marcos sa Korte Suprema para sa kanyang protesta laban kay alleged vice president Leni Robredo

Matatandaang July 14 ang deadline na itinakda ng Korte Suprema para sa ikalawang pagbabayad ng cash deposit ni Marcos.

Ayon kay Atty. George Garcia, abugado ni Marcos, dalawang managers check na nagkakahalaga ng 30 million pesos ang kanilang ibinayad sa Cash Collection and Disbursement Division sa Korte Suprema kahapon.

Dagdag pa ni Garcia na nagawa nilang makaipon ng malaking halaga sa tulong ng mga kaibigan at sa pamamagitan ng pagbebenta ni Marcos ng kanyang condominium unit.

Nuong Abril, nauna nang nagbayad si Marcos ng 36 million pesos na election protest fee na gagamitin sa pagproseso ng mga kinukwestiyon niyang balota mula sa ibat ibang mga polling precinct sa bansa.


If you enjoy reading Mindanation, help keep our site up.

Facebook Comments

You may also like

Duterte orders streamlining of process for major energy projects

Watch Energy Secretary Alfonso Cusi’s interview on CNBC as