Kailangan natin si SAP Bong Go sa Senado

Kailangan natin si SAP Bong Go sa Senado

- in Opinion
0

Mainit ang usapan sa possibleng pagtakbo ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go bilang senador sa 2019. Mula pa ng kanyang pag testify sa senado upang pabulaanan ang mga intriga laban sa kanya kaugnay ng pagbili ng Philippine Navy ng mga bagong barko, lumalakas ang sigaw ng mga supporters ni Go na tuluyan na syang sumabak sa pulitika.

Kabilang po kami sa mga sumusuporta sa panawagang ito. At based na din sa aming mga surveys, madami sa ating mga kababayan ang parehas ang sentimyento. Pumapangalawa lamang si SAP Bong kay Mayor Inday Sara Duterte sa listahan ng mga kandidato na iboboto ng mga DDS kung sakaling ngayon gagawin ang eleksyon.

Pero sa kabila ng umiigting na panawagan kay SAP Bong na tumakbo, mayroon pa ding mga nagaalinlangan – hindi dahil sa wala silang tiwala sa kanya or sa kakayahan nya – ngunit dahil takot sila na mawala sya sa tabi ni PRRD. Dahil sa mahaba at malalim na samahan nila ni President Duterte, hindi ma-imagine ng ibang mga DDS kung ano ang mangyayari kung nasa senado na sya at nasa palasyo naman ang Presidente.

Ayon kay SAP Bong mismo, hinding hindi nya iiwan si PRRD “hanggang kamatayan.” Dahil na din sa laki ng utang na loob nya kay Presidente, maski ano pa ang mangyari sinisigurado ni SAP Bong na lagi silang magkasama. At ito din ang dahilan kung bakit hindi pa sya makapag desisyon ngayon – dahil si Presidente lang din talaga ang makakapagsabi kung asan ba sya lulugar sa 2019.

But mula naman sa aming point of view bilang outside observer, tila wala naman talagang choice si SAP Bong kundi tumakbo. Eto ay dahil na din sa kanyang sinasabi na ang isa sa mga rason kung bakit sya tatakbo kung sakali ay upang maitaguyod ang legislative agenda ng Duterte administration, at upang siguraduhin an hindi bababuyin ang legacy ni PRRD pagkatapos ng termino nito sa 2022.

Agree kami sa kanya na paramount concerns ang mga ito, at hindi ito magagawa kung wala tayong solid DDS supporters sa senado. We need people like SAP Bong Go and Asec. Mocha Uson in the senate to prevent the reemergence of the Liberal Party. This is a no choice situation para sa kanila. If they do not run – or worse – if we fail to support them if they do – then we will be forced to watch from the sidelines as all the hard work of PRRD is dismantled by those who hate him. Lahat po ng ipinaglaban natin, at patuloy na ipinaglalaban para sa ikabubuti ng bayan ay mababakewala kung hindi sila makakapasok sa senado.

People like Trillanes, Poe, De Lima, Pangilinan, Aquino, Hontiveros, and Drillon don’t want SAP Bong in the senate because they will no longer be able to manipulate the institution for their own political ends. Ayaw nila kay SAP Bong at Asec. Mocha kasi alam nila na isusumbong ung mga kalokohan nila sa senado kay PRRD. Gagawin nila ang lahat para siraan ang mga taong loyal kay PRRD at pinagkakatiwalaan ni PRRD para maipagpatuloy nila ang kanilang pangbababoy sa bayan. A senate without PRRD’s most loyal and trusted allies will be the ultimate victory for the forces of the elite, the oligarchs, and the corrupt.




If you enjoy reading our stories,
please help keep Mindanation up and running by donating any amount.
Your support will go a long way in keeping us going.

Facebook Comments

You may also like

P33.5-M evacuation center to rise in Zamboanga City

Construction of a P33.5-million evacuation center in Zamboanga