Maine Mendoza, nag full fangirl mode ng magkita ng kanyang idolo

Maine Mendoza, nag full fangirl mode ng magkita ng kanyang idolo

- in Entertainment, Feature
0
Photo from Instagram

Hindi napigilan ng sikat na actress and television host na si Maine Mendoza ang kanyang sarili ng magkita sila ng kanyang ini-idolong na si Kim Delos Santos. Ang pagtatagpo ay nangyari nung bumisita si Kim sa set ng Eat Bulaga kamakailan.

Bago mag retire sa showbiz, si Kim ay dating kasama sa top-rating na television show, Thank God It’s Sabado (TGIS), at sa mga pelikulang “Ang lahat ng ito’y para sa’yo,” “Honey, My Love, So Sweet,” at “Ikaw Lamang.”

Ayon sa Instagram post ni Maine, kung saan bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha habang mahigpit na kayakap ang kanyang idol, matagal na syang fan ng mga “90’s Tagalog cheesy.’

Nilista pa nya ang kanyang mga paborito, kabilang na ang “Dito sa Puso ko,” “Honey My Love So Sweet,” “DoReMi,” at mga iba pa.

Dagdag pa ni Maine, hangang sa ngayon, “These movies never fail to make me happy and they also make me squeal like a pig because of kilig.”

Tungkol naman sa kanilang pagtatagpo ni Kim Delos Santos, sabi ni Maine ay hindi nya ma-suppress ang kanyang “excitement and happiness.”

“Lalo na when she came up to me and gave me a hug. My fangirl heart is happy that I finally got to meet her.” Sa sobrang tuwa, hindi na napigilan ni Maine na uliting ang mga linyang pinasikat ni Kim sa pelikulang Ikaw Lamang, “eight eight eight eight, otso otso otso otso – means I love you.”


If you enjoy reading Mindanation, help keep our site up.

Facebook Comments

You may also like

Tausug artist Rameer Amilasan Tawasil uses paintbrush to advocate peace

ZAMBOANGA CITY — Tausug painter Rameer Amilasan Tawasil