OFWs, handang magbalik-bansa upang tumulong sa mga railway project ng DOTr

OFWs, handang magbalik-bansa upang tumulong sa mga railway project ng DOTr

- in News, Philippines
0
@MindaNation

DOTr Press Release
04 July 2019

CLARK, PAMPANGA – “Bayan ko naman!”

Ito ang pangunahing mensahe ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang pakikipagdayalogo sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, ika-03 ng Hulyo 2019.

Mahigit 57 OFWs ang nakipagpulong kay DOTr Secretary Arthur P. Tugade sa ASEAN Convention Center, kabilang ang iba pang mga opisyal ng DOTr at tagapamuno ng mga ahensya sa Railways Sector, upang ihayag ang kanilang interes sa pagtulong sa mga proyekto ng administrasyong Duterte.

Karamihan sa mga OFW ay mga machine operator, engineer, at mga manggagawang may kahusayan sa mining, electrical, piping, at drill and blasting.

Anila, sa ilalim ng administrasyong Duterte, nais nilang makatulong sa mga proyektong magpapaunlad sa buhay ng mga kapwa-Pilipino.

“Ilang taon na kaming nanilbihan sa ibang bansa. Ngayon, bansa naman natin ang tulungan. Bumalik kami sa Pilipinas para sa bayan, dahil nasa puso namin na suportahan ang ating gobyerno at ang bawat Pilipino,” ayon kay Deovanni Miranda, isang OFW sa Denmark.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at pagkagalak si Secretary Tugade sa kagustuhan ng mga OFW na maglingkod sa bayan, sa kabila ng mas malaking kita sa labas ng Pilipinas.

“Napakalaki ng aking pasasalamat sa inyong hangarin na bumalik sa bansa upang makibahagi sa pagbabago sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte. Alam ko na hindi ito madali sapagkat ipinagpapalit niyo ang inyong mas malaking kita para sa pagkakataong makatulong sa bayan. Pero, pagkakataon na rin ito upang magamit ninyo ang iyong expertise nang hindi nalalayo sa inyong mga pamilya,” saad ni Secretary Tugade.

Dumalo rin sa pagpupulong sina DOTr Undersecretary for Finance Garry De Guzman, Undersecretary for Railways Timothy John Batan, Metro Rail Transit 3 (MRT-3) General Manager Rodolfo Garcia, Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Reynaldo Berroya, Northrail Chairman Eduardo Quintos, at Philippine National Railways (PNR) Spokesperson Joseline Geronimo.

Inihayag ng mga tagapamuno na bukas ang MRT-3, LRTA, at PNR sa pagtanggap sa mga OFW sa kanilang mga ahensya.

Hinimok din ni Secretary Tugade ang 12 contractors na humahawak sa mga malalaking rail project na tanggapin ang mga aplikanteng OFW, bagay na tinanggap ng mga contractor ng Metro Manila Subway, MRT-3 Rehabilitation Program, LRT-1 Cavite Extension, LRT-2 East Extension, at ang PNR Clark Phase 1.

“To the contractors, I ask you today, when they come and apply, please hire them on the spot. You have here qualified people, who have the skills to fulfill our projects. Hire them right away,” ayon sa kalihim.

Inilahad ni Secretary Tugade na magkakaroon pa ng mga susunod na dayalogo para sa mga OFW na makikibahagi sa mga proyekto sa mga sektor ng Maritime, Road Transport, at Aviation and Airports.




If you enjoy reading our stories,
please help keep Mindanation up and running by donating any amount.
Your support will go a long way in keeping us going.

Facebook Comments

You may also like

Agatha Wong shuts down haters with epic tweet: I AM A FILIPINA

Agatha Wong made history by bagging two gold