Problema sa Droga: Bakit nga ba hindi ma resolba ni Tomas Osmeña?

Problema sa Droga: Bakit nga ba hindi ma resolba ni Tomas Osmeña?

- in News
0
Photo via Wikitravel

Hanggang hindi nalilinis ni Mayor Tomas Osmena ang kanyang pangalan sa mga paratang sa kanya, hindi matitigil ang pagdududa ng mga tao tungkol sa pagkasangkot niya sa mga problema ng droga bilang “protektor” ng mga drug lord.

Ayon sa mga lumalabas na impormasyon mula sa Cebu City, inutil ang lokal na pamahalaan na pigilin ang paglala ng droga at krimen. Inakusahan ng dating Kalihim ng Department of Justice si Mayor Tomas Osmena na siya ay protector ng kilalang drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz, na napatay noong 2016.

Ayon sa affidavit ni Reynaldo “Jumbo” Diaz na pinsan ng napaslang na drug lord, tumanggap umano si Mayor Osmena ng 7milyon mula sa sinasabing drug lord. 5 milyon umano ay ay para sa kampanya nito noong 2016, 2 milyon naman ay para sa mga gastusin sa ospital.

Ang pagkamatay rin ni SPO1 Adonis Dumpit, malapit na aide ni Mayor Osmena, sa isang engkwentro habang nagsasagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng NBI sa Tagbilaran ay nag-dagdag ng pangamba sa mga residente. Kilala di umano si SPO1 Dumpit bilang protektor ng mga personalidad ng droga.

Ang pinakahuling matinding dagok sa pangalan ng alkalde ay ang insidenteng kinasangkutan ng dating barangay captain at incumbent Tejero councilman Jessielou Cadungog. Napatay sa shoot out si PO3 Eugene Calumba na ng tauhan drug enforcement unit ng Parian police station.

Unang pinalabas ng kampo ni Cadungog na may tangkang pagpaslang sa kanya si Calumba ngunit maagap ang kanyang security at naunahan si Calumba.

Si Cadungog ay sinasabing kabilang sa drug ring at isang ganap na “drug personality” na nasa watch list.

Samantala, mismong si Director General Oscar Albayalde, PNP Chief, ang nagpahiwatig na sa kabila ng pag-igting ng kampanya laban sa droga, nananatiling talamak ang problema sa illegal na droga sa probinsya ng Cebu.

Ayon sa isang pag-aaral, pangatlo ang Cebu sa pinakamaraming drug-related killings simula noong 2016.

Bukod sa ilang sunod-sunod na patayan simula sa buwan ng Hulyo ngayong taon,hindi pa din nawawala ang Cebu City sa pagiging “drug hotspot”.

Kung hindi mapaparusahan ang mga totoong taong sangkot sa paglala ng droga sa lungsod ay patuloy na malalagay sa panganib ang mga mamamayan ng Cebu City at hindi mababawasan ang krimen at droga dito.




If you enjoy reading our stories,
please help keep Mindanation up and running by donating any amount.
Your support will go a long way in keeping us going.

Facebook Comments

You may also like

South Cotabato runs campaign against fireworks

The provincial government of South Cotabato recently launched