It’s time for the Philippines to make a move on the Scarborough Shoal issue

Sass sez

It’s time for the Philippines to make a move on the Scarborough Shoal issue

- in Opinion
1
Sass SezSass Sez

ON THE RECENT REPORTS ON CONTINUED CHINESE ACTIVITIES IN SCARBOROUGH SHOAL

image

Now, magiging critical ako sa Duterte administration. Let me settle some facts first.

1. The Philippines vs China arbitration decision did not award the Scarborough Shoal to the Philippines. In the first place, the arbitral tribunal has no competence in deciding on the issue of sovereignty. Wala pong nakalagay sa Arbitral Decision na ang Scarborough Shoal ay pag-aari ng Pilipinas o ng China. So iyang “Scarborough Shoal” belongs to the Philippines na stand ay isang statement of claim.

Walang international court decision affirming that the Scarborough Shoal belongs to the Philippines – or to China. The Philippines and China cannot use the Arbitral Decision to support their claims that they have ownership over the Scarborough Shoal because the decision did not resolve the issue of ownership at all.

2. Ang sabi ng Arbitral decision, ang Scarborough Shoal ay traditional fishing grounds ng parehong mga mangingisda ng China at Pilipinas. Dahil diyaan, walang karapatan ang China na paalisin ang mga mangingisda ng Pilipinas at wala ring karapatang paalisin ng Pilipinas ang mga mangingisda ng China.

—-

Nababagalan ako sa action ng Duterte administration to engage China on this issue dahil hanggang ngayon wala pa rin atang access ang mga Filipinong mangingisda sa Scarborough Shoal. Mag two months na hindi pa rin nag-de escalate ang tension sa Scarborough Shoal.

I don’t also support the dramatic statement of Manny Piñol about our country being small and China being big. In the more than 40-year history of the South China Sea conflict, the Philippines, despite being small, did a lot of dick moves that escalated the disputes and angered other parties.

Ang fishing issue sa Scarborough Shoal ang pinakamabilis na pag-usapan ng Pilipinas at China dahil hindi ito ganoon ka divisive.

I wrote a post before on how to deal with this issue:

Una, dapat nating tandaan na ang ating foreign policy must serve the interests of our people first and not of the oligarchs. Yang oil interest, oligarchic interest yan. Yung mga isda, yan ang dapat nating unang asikasuhin, and that is a good entry point kasi hindi divisive ang issue. Bakit?

Kasi sabi ng Arbitral Decision ang Scarborough Shoal ay “traditional fishing grounds” ng Filipino at Chinese fishermen, yes, pareho po nating mga mangingisda.

Samakatuwid, dapat silang magtulungan at magbigayan. Ang interest po nila ang dapat nating unahin dahil

1) diba yung buhay nila ang ating ipinapain? Remember ABS-CBN? Eh hindi naman si Pangilinan at ang mga stockholders niya ang dinala ng ABS-CBN para maglayag at i-provoke ang mga Chinese;

at

2) urgent po ang issue na ito kasi ang mga isda sa South China Sea ay nagiging extinct na dahil sa overfishing ng iba’t ibang fishing communities.

So papaano po ito gagawin? Combination po ng tinatawag natin sa diplomasya na Track 1 at Track 2 diplomacy. Yung Track 1 po official government-to-government na diplomacy; yung Track 2 po ay hindi government ang gumagalaw kundi ang mga mamamayan at mga non-government orgs.

Eto po ang pwedeng maging programa:

TRACK 2 po muna:
– Summit po between sa mga fishing communities ng Pilipinas at China, lalo na yung nangignisda sa Scarborough Shoal
– Yung summit po i-invite yung mga experts para makapagbigay ng kanilang pananaw kung anong dapat gawin para mag-benefit in the long term po yung ating parehong mga mangingisda. Katulad po ng:

a) Food and Agriculture Organization of the United Nations
b) Global International Waters Assessment
c) Fisheries Research Unit of the University of British Columbia
d) Marine biologists, environmentalists, and other related experts
– Ang outcome po dapat ng summit na ito ay recommendations na isusulat na magkasama ng ating mga mangingisda (Chinese at Filipino), sa tulong na rin ng mga experts. Ang mga recommendations po ay kung papaano nila pwedeng pagtulungan na pangalagaan ang fishing grounds for the mutual benefits po ng pareho nating mangingisda (Chinese at Filipino)
– Ang mga recommendations po na ito ay pag-uusapan naman sa TRACK 1 diplomacy na phase at gagawing treaty, then policy.

TRACK 1
– Dito po ang mga sangay ng gobyerno ng China at Philippines na may kinalaman sa fisheries at environment ang mag-uusap
– Sila po ang babalangkas ng policy na mag-uugat sa recommendations ng mga mangingisda during the Track 2 phase
– Yung policy po na iyan ay magreresulta sa isang treaty between China and Philippines na tungkol sa fishing grounds ng Scarborough Shoal.

Ang layunin ng mga activities na ito ay buuin muli ang diplomatic relations ng Pilipinas. Kapag nabuo na ito ng sufficient level, dyaan po pwede ng pag-usapan yung mga divisive issues: katulad ng oil, at yung artificial islands.




If you enjoy reading our stories,
please help keep Mindanation up and running by donating any amount.
Your support will go a long way in keeping us going.

Facebook Comments

You may also like

The truth about Duterte’s “well-oiled” social media infrastructure

This video shows exactly what it felt like