Ang pangangailangan ng ating mangingisda ang dapat unahin

South China Sea Conflict

Ang pangangailangan ng ating mangingisda ang dapat unahin

...at hindi ang pangangailangan nina Pangilinan-Salim-Del Rosario

- in Opinion
0

“We’re selling fish caught within the municipal waters and other fishing grounds near the province. There’s no more catch from Scarborough Shoal,” Mario Forone, isang mangingisda sa Zambales.

Anong dapat gawin?

Ang pag-approach sa issue na ito sa highest level ay parang hindi pa napapanahon dahil sa klima ng ating pulitika at relasyon with China. So dapat we start with activities na makakapag-build ng trust uli. Ang aking recommendation ay naayon sa pinaka-magandang gawin sa ganitong kalagayan.

Una, dapat nating tandaan na ang ating foreign policy must serve the interests of our people first and not of the oligarchs. Yang oil interest, oligarchic interest yan. Yung mga isda, yan ang dapat nating unang asikasuhin, and that is a good entry point kasi hindi divisive ang issue. Bakit?

Kasi sabi ng Arbitral Decision ang Scarborough Shoal ay “traditional fishing grounds” ng Filipino at Chinese fishermen, yes, pareho po nating mga mangingisda.

Samakatuwid, dapat silang magtulungan at magbigayan. Ang interest po nila ang dapat nating unahin dahil

1) diba yung buhay nila ang ating ipinapain? Remember ABS-CBN? Eh hindi naman si Pangilinan at ang mga stockholders niya ang dinala ng ABS-CBN para maglayag at i-provoke ang mga Chinese; at

2) urgent po ang issue na ito kasi ang mga isda sa South China Sea ay nagiging extinct na dahil sa overfishing ng iba’t ibang fishing communities.

So papaano po ito gagawin? Combination po ng tinatawag natin sa diplomasya na Track 1 at Track 2 diplomacy. Yung Track 1 po official government-to-government na diplomacy; yung Track 2 po ay hindi government ang gumagalaw kundi ang mga mamamayan at mga non-government orgs.

Eto po ang pwedeng maging programa:

TRACK 2 po muna:
– Summit po between sa mga fishing communities ng Pilipinas at China, lalo na yung nangignisda sa Scarborough Shoal

– Yung summit po i-invite yung mga experts para makapagbigay ng kanilang pananaw kung anong dapat gawin para mag-benefit in the long term po yung ating parehong mga mangingisda. Katulad po ng:

a) Food and Agriculture Organization of the United Nations
b) Global International Waters Assessment
c) Fisheries Research Unit of the University of British Columbia
d) Marine biologists, environmentalists, and other related experts

– Ang outcome po dapat ng summit na ito ay recommendations na isusulat na magkasama ng ating mga mangingisda (Chinese at Filipino), sa tulong na rin ng mga experts. Ang mga recommendations po ay kung papaano nila pwedeng pagtulungan na pangalagaan ang fishing grounds for the mutual benefits po ng pareho nating mangingisda (Chinese at Filipino)

– Ang mga recommendations po na ito ay pag-uusapan naman sa TRACK 1 diplomacy na phase at gagawing treaty, then policy.

TRACK 1

– Dito po ang mga sangay ng gobyerno ng China at Philippines na may kinalaman sa fisheries at environment ang mag-uusap

– Sila po ang babalangkas ng policy na mag-uugat sa recommendations ng mga mangingisda during the Track 2 phase

– Yung policy po na iyan ay magreresulta sa isang treaty between China and Philippines na tungkol sa fishing grounds ng Scarborough Shoal.

Ang layunin ng mga activities na ito ay buuin muli ang diplomatic relations ng Pilipinas. Kapag nabuo na ito ng sufficient level, dyaan po pwede ng pag-usapan yung mga divisive issues: katulad ng oil, at yung artificial islands.




If you enjoy reading our stories,
please help keep Mindanation up and running by donating any amount.
Your support will go a long way in keeping us going.

Facebook Comments

You may also like

Black Panther Star Chadwick Boseman Dies of Cancer at 43

‘Black Panther’ star Chadwick Boseman died on Friday