Mga aral mula kay Tatay Digong

Mga aral mula kay Tatay Digong

- in Opinion
0
President Duterte

Napinsin ba ninyo na tilang usong-uso ngayon ang mga reality shows? Ito yung mga programa sa television kung saan wala ng ginawa ang mga tao kundi ipakita ang kanilang mga magagarang kagamitan, mga kakaibagan pamumuhay, at kung ano ano pang kababawan.

Madami nito sa Amerika. Keeping up with the Kardashians, Real Housewives of Beverly Hills, ito ay iilan lamang sa mga ganitong klaseng palabas na mapapanood natin. Dito naman sa Pilipinas, ang ganitong kaartehan ay kadalasan mapapanood natin sa ating mga senador at kongresista.

Ngunit sa kabila ng popularidad mg mga ganitong palabas sa ibang bansa, kakaiba dito sa Pilipinas. Dito sa atin ang pinaka sikat at pinaka makapangyarihang pamilya ay kilalala, hindi dahil sa karangyaan, ngunit dahil sa kanilang simple at payak na pamumuhay.

Inday and baste

Yan po ang pamilya ni President Rodrigo Duterte, o Tatay Digong sa marami sa mga supporters nya. Sa kabila ng kanilang kasikatan, kitang kita sa kanilang mga pananalita at pag galaw na hindi ito umaabot sa kanilang mga ulo. Walang yabang, walang arte – at tiyak din na walang pinipili pag makipag away.

Ang asal ng mga anak ni Tatay Digong ang isa sa pinaka magandang ehemplo ng tipo ng liderato na dala ng kanilang ama para sa ating bayan. Disiplina, paninindigan, tapat na paninilbihan sa mamamayan, at respeto sa kapwa, yan ang mga prinsipyo na nakuha nila sa kanya.

Kaya naman mahal na mahal ng mga tao si Pulong, Inday, Baste, at Kitty. Eh sa palayaw palang, alam mo ng walang ka-OA-yan ang mga ito. At kung mag inarte ka sa harap nila, malamang maboboljak ka din. Ika nga, hindi talaga malayo mahulog ang bunga sa puno na pinag mulan nito.

Mabuhay po kayo mister President at ang inyong pamilya, sana maturuan nyo din po kami, tulad ng pag turo ninyo sa inyong mga anak, kung paano mamuhay ng simple, sumunod sa batas, at maging mabuting Pilipino.




If you enjoy reading our stories,
please help keep Mindanation up and running by donating any amount.
Your support will go a long way in keeping us going.

Facebook Comments

You may also like

Bong Go: 5th PRRD SONA to Bring Hope of a Better Future for Filipinos Amid Challenges

Senator Christopher Lawrence “Bong” shared his optimism that